4,500 pesos waitlisted makukuha na agad agad
Sa pagpapatupad ng Financial Assistance para sa mga apektado ng ECQ sa NCR Plus, ang mga lokal na pamahalaan ay naglagay ng Grievance and Appeals Committee Desk sa kani-kanilang lungsod o munisipyo at sa bawat payout na isinasagawa upang mas madaling malapitan ng mga mamamayan.
Ang paglalagay ng GAC ay isa sa mga istratehiyang dinagdag para sa pagpapatupad ng nasabing Financial Assistance upang mas maagap na matugunan ang mga katanungan o hinaing katulad ng listahahan ng makatatanggap ng ayuda, schedule ng pamimigay at halaga ng matatanggap ng kada pamilya.
Hinihikayat ang publiko na sumangguni sa GAC Desk sa inyong lokal na pamahalaan para sa inyong kanilang mga katanungan o hinaing o kaya’y bisitahin ang FB page ng inyong lokal na pamahalaan upang malaman detalye ng kanilang GAC.***

Comments
Post a Comment